i carry your heart with me(i carry it in
my heart)i am never without it(anywhere
i go you go,my dear; and whatever is done
by only me is your doing,my darling)
i fear
no fate(for you are my fate,my sweet)i want
no world(for beautiful you are my world,my true)
and it's you are whatever a moon has always meant
and whatever a sun will always sing is you
here is the deepest secret nobody knows
(here is the root of the root and the bud of the bud
and the sky of the sky of a tree called life;which grows
higher than the soul can hope or mind can hide)
and this is the wonder that's keeping the stars apart
i carry your heart(i carry it in my heart)
it's the end of the month and the time of the month para saken. Alam nyo na ang ibig sabihin nito, mapangpuna at bitter-bitteran na naman ako. Pero minsan naiisip kong siguro hindi rin.. madalas naman akong iritable at bwisit sa mundo.. siguro dahil hindi lang talaga ko kuntento sa buhay ko. eh sino bang kuntento?? May mga panahon na nabibiyayaan din naman ako ng tinatawag nating precious moments, happy times, yung tipong living life to the fullest.. masaya sya ano mang paraan.. pero panandalian lang.. parang pagsho-shopping, gumimik at magpakalaseng hanggang umaga, kumain ng masasarap na pagkain, pasyal pasyal sa kung sang lugar. mkahanap ng mamahalin at magmamahal sa sarili at makasama ang mga taong mahal naten.. masaya ang mga ganong pagkakataon.. kung pwedeng araw-araw ganon.. siguro makukuntento nga ang bawat isa sa atin. Pero parang hindi pa rin totoo yun.. Hindi ganon ka-simple ang buhay. Gustuhin ko man ganon.. konektado parin tayo sa bawat isa..at hindi maiwasang maging kumplikado ang buhay.. kelangan kumakayod ka, kung may boss, kelangan may alipin.. kung may mayaman, merong naghihirap, kung may nagsasaya, merong umiiyak.. kunek-kunek yan. Pwede ko mang sabihin wala na lang pakelamanan, may mga pagkakataon parin apektado ka sa ginagawa ng iba, at apektado din sila sa mga ginagawa mo.. Pero natutunan kong mabuhay ng walang pakealam, walang iniintindi kung hindi sarili..kaya nga siguro akong lumaking selfish, self-centered at self-absorbed. dahil lumaki akong magisa.. self-taught, self-made. at ang bilis kong mairita sa mga pagkakataong napeperwisyo ako ng iba. Apektado ka kahet pano..kahet nga nakikita mo lang o napupuna sa iba yung pagkakamali sa kanila ng kapwa nila apektado ka na, pano pa kung ikaw mismo yung napeperwisyo sa pinaggagawa nila diba.. Wala namang perpektong tao, lalong malayo ako sa pagiging perpekto.. kaya hindi ko din maintindihan yung sarili ko kung bakit parang hindi ko kayang mamuhay sa mundong hindi perpekto.. Parang hindi ko matanggap na ganito ang buhay.. kadalasang saloobin ko ang bagay bagay na hindi patas para sa lahat.. minsan may pagka-idealist din kase ako, parang gago lang, dahil hindi naman patas ang mundo, malayo sa katotohanan na maging pantay ang buhay ng bawat isa..may dugo nga ko ni hudas, may pagkarebelde dumadaloy sa mga ugat ko, pero kahit kelan hindi naman ako naging aktibista or naging myembro ng mga samahang galit sa nabubulok na mundo.. o marahil hindi ko lang nadevelop yung ganitong awareness sa paligid ko noong kabataan ko dahil busy busyhan ako sumabay sa agos ng mga sosyal kong kaibigan at kiligin sa mga gwapong kalalakihan.. kaya ngayon na nagkakaisip ako, parang malala na yung sitwasyon.. samantalang noon pa man, nabubulok na tyo.. Wala ako masyadow sa mood baybayin ang buhay ng ibang tao noh, mapanglait man ako at mapagpuna sa iba, hindi nangangahulugang intensyon kong makasakit ng kapwa. eh sadya lang marami akong napapansin na kaaasaran ko sa bandang huli.. hindi ko sinasabing galit ako sa mundo, galit ako sa sistema, oo, hindi ako galit na hindi pantay ang buhay ng bawat isa, galit ako dahil konektado tayo sa bawat isa pero hindi pwedeng maging patas ang laban.. kelangan bang meron talagang may mas makapangyarihan, may mas angat, may mas sa lahat ng mas at pinaka?? ewan ko kung may sense pa ang sinasabi ko.. baka kase isipin ng iba dyan, kasalanan ba nilang maging mayaman at makapangyarihan, o kasalanan ba nila na naghihirap ka at nagugutom?? sabe nga nila, pag nadapa ka, life doesn't get you back on your feet..the world does'nt owe you any favors.. kahet nasugatan ka, kahet nagdurusa ka, walang pakelam sayo ang mundo..patuloy parin ito sa pagikot..hindi kasalanan ng mundo kung ganyan ka..oo nga naman.. pero bakit naapektuhan ako sa kalagayan ng iba?? ang laki ng problema ko noh.. mahirap pasanin ang mundo, mabigat at alam ko yon.. kaya nga tinatry kahet sa maliit na paraan na kaya ko na maging responsible para sa sarili ko..sana lahat maging responsible sa sarili nila.. para hindi napeperwisyo ibang tao..malalim to mga dudes,man, pare, malalim pinangagalingan ko.. at hindi ko maiwasan na maraming pasaway sa maliit kong mundo.. minsan, hindi na ko nakakatulong ano mang paraan.. kaya madalas din akong iritado sa sarili ko.. Maraming pagkakataon na disappointed ako sa ibang tao, pero mas madalas na i-down ako ng sarili ko..Je est un autre, eka nga ni Arthur Rimbaud.. at totoo yun para saken. bilang nga lang siguro sa dalire ang pagkakataon na naimpress ko ang sarili ko. hindi naman ako sa mahirap i-please, hindi ako metikulosa, hindi nga ko organize na tao, at kaya lalong walang katinuan ang buhay ko.. maraming butas, maraming pagkakamali, maraming depekto.. pwedeng na ring sabihing walang pakinabang kung tutuusin. kaya hindi ko masabing kuntento ako sa buhay at hindi ko pwedeng sabihing masaya ako sa lahat ng pagkakataon.. kaya nga etong mga pinagsasabi ko dito na wari ko walang direksyon, dahil hindi ko alam ano ba talaga problema ko.. hahahaha…ewan.. minsan mas pinipili ko na lang maging masaya kesa magmuryot. minsan mas pinipili kong punahin ang kakulangan ng iba, ang pagkakamali ng kapwa, mairita sa katangahan ng iba at masuya sa paulit ulit na kabulukan ng bawat isa..para kaseng mas masaya yata yun..i mean it in a positive way..pramis.. di ba kung mapangpuna ka sa kapwa, shempre maingat ka sa sarili mong magkamali dahil sarili mo ang pinaka malaki mong kritiko..ay ewan, kahibangan na yata mga pinagsasabi ko…epekto na naman ng agos ng maduming dugo tuwing kabuwanan..hahahaha babush!
Glorieta 2.
i heard all over the news that the explosion wasn't caused by any bomb at all, according to the latest update of the investigators. The Ayala claims it is entirely an industrial fault. well…. that sounds pretty dumb if i may say. if not the dumbest thing i've ever heard, probably the most inconvenient truth. What's the difference anyway?? kaboom parin naman ang ending.. Pasensha na lang sa mga nabiktima eka nga, and for what it's worth, shempre, sagutin ng Ayala ang mga gastusin ng mga nadamay sa katangahan nila. I believe bad things have a way of happening but these things can be prevented if all of us will conformed to the strict security measures and take proper precautions.. but like i said, bad things seemed to have a way around, no matter how much vigilant and careful we may be, accidents can still happen. And public places or venues should be carefully inspected daily, from technical, industrial and all that jazz. in fact if i may add, security malls are only vigilant and strict in inspecting bags sa mga panahong napapagusapan yung mga bomba etc. i bet you in a few months time when these news winds down, sobrang luwag na naman ng security nila.. like for example, sa MRT. diba sobrang magulo, lalo na pag rush hour.. shempre uwian, sobrang crowded ang liit lang ng waiting area, yung pila sa bilihan ng tickets minsan hindi pa ganon ka-organize.. sometimes yung security din hindi ganon ka pulido mgcheck ng mga bags..tapos pag dating mo sa waiting area, sobrang daming tao pagdating ng train, ngtutulukan na..yung ibang tao wala ding disiplina talaga…Accidents could happen anytime.. and knowing this, dapat yung MRT personnels gumawa ng paraan na maorganize yung pagsakay at pagbaba ng mga pasahero. Dapat naglalagay sila ng railings at ng security guard sa bawat babaan at sakayan, para nakapila din yung mga tao. mas mapapadali pa yung proseso kung maayos na nakapila bawat isa. Maaawa ka sa mga buntis at mga bata na makakasabay mo during rush hour tapos nagtutulakan yung mga tao sa paligid nila. hay naku.. ewan ko ba sadya lang yata talagang maraming pasaway dito sa pinas! kaya mga kababayan, lage kayong magiingat!!
Talent Fees
Friday night was the last day of our tech fair event at The Block in Sm north edsa. We were supposed to celebrate our last day funk.. or at least for the past days we were planning to, but that didn't happen because not all of us got our TFs.. well.. madalas naman mangyari yung mga ganito sa events. tapos na yung trabaho hindi ka pa rin bayad.. who knows why and who knows what.. ang mga alipin walang alam pag dating sa ganitong bagay.. sa dami ba naman ng boss mo, kung baga sa food chain, ikaw na yung nasa pinakadulo.. fungi o bacteria ka na lang, at wala kang magagawa kung hindi sumunod sa mga sasabihin sayo..naks.. as if masunuring bacteria ako.. pasaway nga eh at natural hindi ako pumayag na hindi mabayaran..lol. Naawa lang ako dun sa iba, although hindi ko naman sila naringgan na magreklamo, naapektuhan ako kase hindi natuloy yung plano nameng magcelebrate that day. azAr! natoxic lang kame sa egress.. pero ok lang din. basta tapos na yung event, papetiks patetiks na ulet, pa-blog blog na lang, at sa wakas makakatulog na ulit ako ng maayos. hay salamat!
JAPAN SAGOT SA KAHIRAPAN + BORACAY AT BAGUIO: ambisyosa!
Ang plano after ng mall event din, ay boracay naman ngayong undas. Dapat sasama ko sa event ng friend ko sa bOra.although i really have no business there, bakasyon lang sana.. wow..sosyal ang alipin ng salapi. eh kase airfare lang babayaran ko, makakalibre na ko ng food and accomodation kung natuloy. unfortunately, naetchepwera ang byuti ng kaibigan ko sa event na yun kaya wala ng bora bora. Pasok ang plan B.. kahapon naman dapat sasabit naman ako sa isa ko ding kaibigan na may booking sa baguio..hehe. gastos pero may chance parin na makalibre ulit ng accomodation and food, o diba ganon katigas ang mukha ko, Ang kaso aba, lumipas ang kahapon at ang hitad, hindi pa rin nagpaparamdam.. malamang nasa baguio na yun! Azar! ang obvious na ayaw akong isama. isa din kase akong babaeng impakta, sadyang makapal ang fes.hahaha. ok lang..di ako hurt. azar lang! hehehe. so malapet na ko sa katotohanan na ang raket sa Japan ngayong november ay malamang sa hindi na din matutupad..oi, di ko habol dito ang free accomodation and food noh, visa kelangan ko. at pinangutang na ng nanay ko ang pamasahe ko dito..ngunit subalit wala pang update dito at ayoko na ding asahan kase dito talagang mahuhurt na ko. hehehe. ay naku!! suntok sa buwan na naman ito.. malamang din na wala akong budget para sa concert ni beyonce..waah potah ang alipin ay sadyang walang karapatan hangga't walang pakinabang..ambisyosa kase! hahaha peste! hehehe!