it's the end of the month and the time of the month para saken. Alam nyo na ang ibig sabihin nito, mapangpuna at bitter-bitteran na naman ako. Pero minsan naiisip kong siguro hindi rin.. madalas naman akong iritable at bwisit sa mundo.. siguro dahil hindi lang talaga ko kuntento sa buhay ko. eh sino bang kuntento?? May mga panahon na nabibiyayaan din naman ako ng tinatawag nating precious moments, happy times, yung tipong living life to the fullest.. masaya sya ano mang paraan.. pero panandalian lang.. parang pagsho-shopping, gumimik at magpakalaseng hanggang umaga, kumain ng masasarap na pagkain, pasyal pasyal sa kung sang lugar. mkahanap ng mamahalin at magmamahal sa sarili at makasama ang mga taong mahal naten.. masaya ang mga ganong pagkakataon.. kung pwedeng araw-araw ganon.. siguro makukuntento nga ang bawat isa sa atin. Pero parang hindi pa rin totoo yun.. Hindi ganon ka-simple ang buhay. Gustuhin ko man ganon.. konektado parin tayo sa bawat isa..at hindi maiwasang maging kumplikado ang buhay.. kelangan kumakayod ka, kung may boss, kelangan may alipin.. kung may mayaman, merong naghihirap, kung may nagsasaya, merong umiiyak.. kunek-kunek yan. Pwede ko mang sabihin wala na lang pakelamanan, may mga pagkakataon parin apektado ka sa ginagawa ng iba, at apektado din sila sa mga ginagawa mo.. Pero natutunan kong mabuhay ng walang pakealam, walang iniintindi kung hindi sarili..kaya nga siguro akong lumaking selfish, self-centered at self-absorbed. dahil lumaki akong magisa.. self-taught, self-made. at ang bilis kong mairita sa mga pagkakataong napeperwisyo ako ng iba. Apektado ka kahet pano..kahet nga nakikita mo lang o napupuna sa iba yung pagkakamali sa kanila ng kapwa nila apektado ka na, pano pa kung ikaw mismo yung napeperwisyo sa pinaggagawa nila diba.. Wala namang perpektong tao, lalong malayo ako sa pagiging perpekto.. kaya hindi ko din maintindihan yung sarili ko kung bakit parang hindi ko kayang mamuhay sa mundong hindi perpekto.. Parang hindi ko matanggap na ganito ang buhay.. kadalasang saloobin ko ang bagay bagay na hindi patas para sa lahat.. minsan may pagka-idealist din kase ako, parang gago lang, dahil hindi naman patas ang mundo, malayo sa katotohanan na maging pantay ang buhay ng bawat isa..may dugo nga ko ni hudas, may pagkarebelde dumadaloy sa mga ugat ko, pero kahit kelan hindi naman ako naging aktibista or naging myembro ng mga samahang galit sa nabubulok na mundo.. o marahil hindi ko lang nadevelop yung ganitong awareness sa paligid ko noong kabataan ko dahil busy busyhan ako sumabay sa agos ng mga sosyal kong kaibigan at kiligin sa mga gwapong kalalakihan.. kaya ngayon na nagkakaisip ako, parang malala na yung sitwasyon.. samantalang noon pa man, nabubulok na tyo.. Wala ako masyadow sa mood baybayin ang buhay ng ibang tao noh, mapanglait man ako at mapagpuna sa iba, hindi nangangahulugang intensyon kong makasakit ng kapwa. eh sadya lang marami akong napapansin na kaaasaran ko sa bandang huli.. hindi ko sinasabing galit ako sa mundo, galit ako sa sistema, oo, hindi ako galit na hindi pantay ang buhay ng bawat isa, galit ako dahil konektado tayo sa bawat isa pero hindi pwedeng maging patas ang laban.. kelangan bang meron talagang may mas makapangyarihan, may mas angat, may mas sa lahat ng mas at pinaka?? ewan ko kung may sense pa ang sinasabi ko.. baka kase isipin ng iba dyan, kasalanan ba nilang maging mayaman at makapangyarihan, o kasalanan ba nila na naghihirap ka at nagugutom?? sabe nga nila, pag nadapa ka, life doesn't get you back on your feet..the world does'nt owe you any favors.. kahet nasugatan ka, kahet nagdurusa ka, walang pakelam sayo ang mundo..patuloy parin ito sa pagikot..hindi kasalanan ng mundo kung ganyan ka..oo nga naman.. pero bakit naapektuhan ako sa kalagayan ng iba?? ang laki ng problema ko noh.. mahirap pasanin ang mundo, mabigat at alam ko yon.. kaya nga tinatry kahet sa maliit na paraan na kaya ko na maging responsible para sa sarili ko..sana lahat maging responsible sa sarili nila.. para hindi napeperwisyo ibang tao..malalim to mga dudes,man, pare, malalim pinangagalingan ko.. at hindi ko maiwasan na maraming pasaway sa maliit kong mundo.. minsan, hindi na ko nakakatulong ano mang paraan.. kaya madalas din akong iritado sa sarili ko.. Maraming pagkakataon na disappointed ako sa ibang tao, pero mas madalas na i-down ako ng sarili ko..Je est un autre, eka nga ni Arthur Rimbaud.. at totoo yun para saken. bilang nga lang siguro sa dalire ang pagkakataon na naimpress ko ang sarili ko. hindi naman ako sa mahirap i-please, hindi ako metikulosa, hindi nga ko organize na tao, at kaya lalong walang katinuan ang buhay ko.. maraming butas, maraming pagkakamali, maraming depekto.. pwedeng na ring sabihing walang pakinabang kung tutuusin. kaya hindi ko masabing kuntento ako sa buhay at hindi ko pwedeng sabihing masaya ako sa lahat ng pagkakataon.. kaya nga etong mga pinagsasabi ko dito na wari ko walang direksyon, dahil hindi ko alam ano ba talaga problema ko.. hahahaha…ewan.. minsan mas pinipili ko na lang maging masaya kesa magmuryot. minsan mas pinipili kong punahin ang kakulangan ng iba, ang pagkakamali ng kapwa, mairita sa katangahan ng iba at masuya sa paulit ulit na kabulukan ng bawat isa..para kaseng mas masaya yata yun..i mean it in a positive way..pramis.. di ba kung mapangpuna ka sa kapwa, shempre maingat ka sa sarili mong magkamali dahil sarili mo ang pinaka malaki mong kritiko..ay ewan, kahibangan na yata mga pinagsasabi ko…epekto na naman ng agos ng maduming dugo tuwing kabuwanan..hahahaha babush!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.